Laging nakasulyap ng palihim„
Lagi sayo’y patingin-tingin„
Lagi ring nag-iisip ng malalim„
Kung ano ang nararapat gawin??
Nahihirapan man saking kalagayan„
Wala naman akong mapagpilian„
Kahit masaya na sa pagiging kaibigan,
Bakit ba may iba pang nararamdaman??
Pinilit ko mang pigilan ito.,
di talaga nadidiktahan ang puso„
Sa totoo lang di ko to ginusto„
Basta bigla na lang nahulog sayo..
Lingid sayo ang aking nadarama„
akala mo ba kaibigan lang talaga??
O nararamdaman ng may iba pa„
Sana nga ng di na ako mahirapan pa..
Nais ko na sanang ipagtapat ito sayo„
Ngunit natatakot na baka ito’y ipagbago mo„
at pati pagkakaibigan natin ay maglaho„
Bakit ba ang labo-labo yata ng mundo????